Diba nakwento ko sa naunang blog ko na pupunta ako sa graduation ng pamangkin ko, kaya eto meron mga letrato. simpleng digicam lang ang meron kame, hindi napakagandang DSLR (bibili ako nyan I SWEAR) kaya pagtyagaan. Sayang dame ko pa namang sanang mga ideya pang photo-op. Well ang balak ko sana habang graduation rites mag-iikot ikot ako, wala lang-picture picture. First section kase yung pamangkin ko, pang walo pa sa tinawag kaya i have plenty of time sana. Kaso ang camera ay nasa kapatid kong katabi ng pamangkin ko.
Ganun ang high school graduation sa St. Jo. -- katabi ang magulang/guardian at sa upuan ka lang kakanta ng graduation song. Mas type ko ang graduation pag grade school, kase di mo katabi ang magulang/guardian mo at sa stage kayo kakanta ng grad song.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~paunang trip to memory lane ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Grade Shool graduation song: Empower Me by Claire Cloninger and David T. Clydesdale (ni-research ko pa yan) ;
High School graduation song: Journey by Lea Salonga
==========================================
Kaya andun ako sa Balcony ng MDA (Mater Dei Auditorium) ng St.Jo-akala ko aircon na. di pa rin pala. air-cool pa rin. andun pa rin yung mga electric fan sa gilid. hehe! Andun kame ni Dad, Mom at ni Michelle, sister ni Paulo-grad boy, ako nagp-PSP. Hehe!
Ang grad song pala nila ay Time of My Life ni Madonna--joke! ni David Cook. Social diba, tapos hindi minus one kundi accompanied ng gitara at piano na tinugtog ng batchmate din nila. Talented. At Syempre ang huling bahagi ng program ang pagkanta ng Alma Mater song - St. Joseph's Hymm. Naks English na. di ko kabisado yun kase simula ng kinder ako hanggang makagraduate ako ng high school ay Tagalog version kame --- Mabuhay ka O San Jose.
Matapos ang graduation rites eto na picture picture. Ako ang taga picture ni Pau with his mama and sister, with mom and dad, with his classmates and friends, with his teachers, with the background at syempre...
with me kaso si ate na ang kumuha.
at sympre dahil nagpa-picture si Pau sa mga teacher abay ako rin. With Sir DG! CFP teacher namin. Hehe!
tapos nung palabas na kame ng MDA.. ayun point and shoot kung saan saan at anu-ano lang.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~TRIP to Memory Lane~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Ang stage at kurtina. Sumocial diba?
Alam nyo ba sa bandang kanan niyan. may nakalutang na screen at pino-project ang mga picture ng graduate, adviser at class pic nila.
Naalala nyo to. Hehe! Control room ek ek. Dito kinokontrol ang sounds at ilaw ilaw effect kapag tayo nagsasabayang bigkas, songfest, variety show, poetry in mime, etc
Hehe! aliw na aliw ako dito. yung gilid ng MDA. Dito dadaan para makapunta sa backstage. Kung dramatic ang effect, nakapwesto na agad ng estudyante tapos pag bukas ng curtain voila andun na sila. hehe!
Naalala nyo ba ang Deli? Delica something something. May favorite ako dito yung spaghetti at lasagna.
Si Ate at si Pau. Tingnan nyo naman ang lobby ng MDA. Social na.
Ang dating GS Quadrange and Basketball Court -COVERED na!
High School Building, same old same old.
Ang favorite tambayan ng high school. RED BRICKS! kaso di na sya red.
Dito ako naaaliw. Naalala nyo to?
Sabi ko sa mommy ko "Eto pa yung mga locker namin noon. Di yan maroon dati, grey yan! O eto pruweba!"
Napatawag ba kayo dito? madalas akong kumuha ng id slip dito kasi nakakalimutan ko ID ko.
Eh dito? Hehe!
Baka dito napatawag ka na.. hehe!
Ang front gate na dating tambayan ng mga sundo ay internet cafe at coffee shop na.
Yun eto lang muna ang mga mashe-share ko. Masaya, nakaka-aliw. isang trip to memory lang. Ako ay isang Little Miss Josephine.
KAT®
Kung ikaw ang mapapadaan sa E.Rodriguez sa may New Manila, Sa pagitan ng St. Luke's at Celebrity Sports Plaza ay Ang St. Joseph's College, isa syang school hindi simbahan kahit my krus. Wag mag-sign of the cross kase ilang metro nalang Christ the King na. Uulit ka na naman
