Saturday, August 23, 2008

August 18, 2008

I think I will never forget this date. Not only because it was my birthday but because that day, I lost a good friend.

Gabi ng August 17, 2008. Nagsu-surf surf lang ako sa internet. Nang mapansin ko na mga 11:45pm na sabi ko sa sarili ko. Tulog na ako. Ayokong salubungin ang birthday ko. I really don’t know bakit ganun ang thinking ko that time. Wala lang. natatamad lang ako siguro mag reply sa mga earlybirds na babati. Well mga magtu-12am August 18, 2008 (happy birthday Kat!) nakahiga ako sa kama, pero gising pa rin. Di ako makatulog. I don’t know why. As in nakailang palit na ako ng pwesto hindi pa rin ako makatulog. Maya-maya may nag text na sakin. Di ko pa rin sinagot. Hanggang sa nakatulog na ako.

I woke up because my Dad greeted me and kissed me. Pagbaba ko. Binati na rin ako ng mga taong gising (Si Mom, Paulo Dy at Ate Mia – McKoy, Chay at Nadel tulog pa). I ate breakfast ordinaryo lang. Nagbasa ng dyaryo. At nagsimulang mag reply sa mga text messages na: Happy Birthday Kat.

Tinanong ako ng Dad ko, anong balak ko sa birthday ko. Sabi ko wala. Walang pera; di tumapat ang sweldo e. Sabi ko lang, magkikita kame ng Onse ko (high school barkada), wala lang dinner lang somewhere sa Morato was thinking of Grilled Tomato sana. Sabi ng dad ko papapansit sana sya. Sabi ko sige! Sa bahay nalang kame ng di-dinner.

Naligo na ako kase I planned to go to church and have a hair cut. It has been my tradition to have my hair cut tuwing birthday ko. Ze plan: Nadj and I will meet up at Pantranco, we will go to St. Jude in MalacaƱang and samahan nya ako mag pagupit. Punta sya kay Tselsi na kabirthday ko (Happy Birthday Tselsi!) then afterwards meet upwith me and Onse. Simple lang diba?


Nabago ang lahat, pagkameet ko kay Nadj sa Pantranco. Di naman ako late. Pero miscol sya ng miscol. Pag ka kita namin. Napansin ko ng iba, may something. She hugged me, greeted me Happy Birthday pero she have some bad news. About daw kay Jaggy. Asa Camp Karingal sila Tin, Alex, Aya at Lola Carms. Something may nangyari kay Jag. Sabi ko tara. Punta tayo Karingal.I spoke to Tin sa cellphone I asked her what, sabi lang nya si Jaggy basta punta na kayo dito.

Sa pantranco, naghahanap na kami ng taxi, kaso mahirap makakuha. Sabi ko sakay nalang tayo ng UP CAMPUS na jeep then sa UP nalang mag-cab. Habang sa jeep. I was praying: Lord please wag, lord please wag. Wag naman po sana ang iniisip ko. I have a hint na yun na yun kase Nadj mentioned something pa na sabi daw kanya ni Lola Carms na Na-identify daw na si Jag because of her ID. Pero still, di sya tinatangap ng utak ko. Umaasa pa rin ako nga mali ang iniisip ko.

Pagdating sa UP. Bigla ko na realize na SHIT! Holiday! Walang pasok. Nagmamatigas pa rin ako kay Nadj na may taxi wait lang tayo. Pero dahil sa sobra anxious ka nang makarating ng Karingal, sumakay nalang kami ng Jeep na Katipunan at dun nalang sasakay ng taxi. Sa jeep patungong katipunan, tumawag si lola carms. Tanong nya kung asa taxi na ba kami. Sagot ko: Wala pa, asa jeep kame pa-Katipunan dun kami magtataxi. Sabi nya sa kin: Ok, pag sakay nyo ng taxi, makiusap na dadaan sila sa Karingal tapos papunta tayo sa Prudential Funeral Homes sa Dapitan. Nagsimula na akong umiyak sa jeep at bumaba kame sa Kahabaan ng Katipunan at dun ako nag iiyak. SHIT! SHIT! SHIT! Sumakay kame ni Nadj ng taxi, dinaanan namin sila sa kanto at nagtungo kamesa punerarya.

Sa Prudential, naandun si Grechie at Jinkie. Pero di pa nila nakikita ang katawan. Sa makatuwid wala pa talagang nakakapag identify. Pag-asa ang naramdaman ko ng mga oras na yun. Baka hindi sya? Si Tin at si Alex ang matapang na tumingin at sa paglabas ni Tin at lumuluha. Ayun nakuha ang konpirmasyong ang katawan ay ang aming kaibigan.

My Dad told na ngayon lang daw na birthday ko ang hindi umulan. Well yeah, walang ni traces ng tubig mula sa langit ang dumapi sa lupa ng araw na iyon. Ngunit napuno ng luha mula sa mga taong nagmamahal kay Jagurl.

Lord, I am praying for the soul of my friend Jagurl. May she rest in peace.

For those who don’t know how’d she die? Here’s the answer:

http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20080819-155467/Call-center-supervisor-found-dead-in-QC.

Just to correct she’s 29 not 24. She’s perky and kind, sad to say a breadwinner to her family back in General Santos, and she’s my friend.

picture --> click

KAT®

I'll miss you Jagurl


Rue Ann “Jagurl” Salvador
January 01, 1979 - August 18, 2008

Hi Jaggy,

Hindi mo man lang ako na-greet nung birthday ko. Naalala ko pa, lagi mong sinasabi sa akin na hindi mo makakalimutan ang birthday ko kasi anniversary yun ng Mommy’t Daddy mo. Well my friend.. di mo pa rin akong nababati, pero uunahan na kita, hindi mo na akong kailangang batiin. OK? Please Jag. Baka ako sumunod sayo dahil sa heart attack at alam kong you’ve thought of greeting me.

Alam na natin kung bakit di mo ako nabati (http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20080819-155467/Call-center-supervisor-found-dead-in-QC).

Hindi ko alam kung ang cliche na “That’s life“ ay nababagay sa pangyayaring ganito. Mukhang hindi. Subalit nangyayari. Sa totoo lang, hindi ko pa masabi kung talagang tanggap ko na na wala ka na.

Kase parang wala lang… ordinaryo lang. magpla-plano ang troopers ng pagkikita. Tapos magkikita kita tayo.

Pero ngayon.. hindi ka na makaka-reply sa mga text messages. Hindi na ka na makakasagot sa mga email threads. Hindi ka na makakasama sa mga sine at outing. Wala na kameng mahihiraman ng sun block. Wala ng maingay at kikay. Wala na ang rock-metal-fashionista friend ko na dinala ako as Six Underground at magyayaya sa kin mag Clubbing sa Government.

Jagurl, I will miss you. You are one-of-kind.

Hindi ko mawari kung bakit may mga nilalang na tulad nila. Bakit nangyari sayo ang ganyan? Bakit ikaw pa? mga tanong na SANA masagot.

I will pray for you my good friend. And I swear that I will do everything in my power para makamit mo ang hustisya. LAHAT. Pangako kaibigan. LAHAT. Lahat ng koneksyon ko, gagamitin ko para makuha natin ito ng mabilis.

BASTA. PANGAKO KAIBIGAN KO.

I’m happy though that you're home. Could you say Hi to Him from me.

I’ll miss you. I love you friend.

ROCK ON \m/

Best,




Kat®