Rue Ann “Jagurl”
January 01, 1979 - August 18, 2008
Hi Jaggy,
Alam na natin kung bakit di mo ako nabati (http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/metro/view/20080819-155467/Call-center-supervisor-found-dead-in-QC).
Hindi ko alam kung ang cliche na “That’s life“ ay nababagay sa pangyayaring ganito. Mukhang hindi. Subalit nangyayari. Sa totoo lang, hindi ko pa masabi kung talagang tanggap ko na na wala ka na.
Kase parang wala lang… ordinaryo lang. magpla-plano ang troopers ng pagkikita. Tapos magkikita kita tayo.
Pero ngayon.. hindi ka na makaka-reply sa mga text messages. Hindi na ka na makakasagot sa mga email threads. Hindi ka na makakasama sa mga sine at outing. Wala na kameng mahihiraman ng sun block. Wala ng maingay at kikay. Wala na ang rock-metal-fashionista friend ko na dinala ako as Six Underground at magyayaya sa kin mag Clubbing sa Government.
Jagurl, I will miss you. You are one-of-kind.
Hindi ko mawari kung bakit may mga nilalang na tulad nila. Bakit nangyari sayo ang ganyan? Bakit ikaw pa? mga tanong na
I will pray for you my good friend. And I swear that I will do everything in my power para makamit mo ang hustisya. LAHAT. Pangako kaibigan. LAHAT. Lahat ng koneksyon ko, gagamitin ko para makuha natin ito ng mabilis.
BASTA. PANGAKO KAIBIGAN KO.
I’m happy though that you're home. Could you say Hi to Him from me.
I’ll miss you. I love you friend.
ROCK ON \m/
Best,
Kat®

No comments:
Post a Comment