Nagpunta ako sa St. Jo kahapon kase nagbayad ako ng tuition fee ng pamangkin ko. Ngayon nalang ulit ako naka apak sa lugar na yun. Last ko ata 3 -4 years ago. nagbayad din ng tuition fee. Dame ng nagbago mula ng grumaduweyt ako ng high school noong 2000. OMG magsa-sampung taon na pala ang nakalipas mula ng nagtapos ako.
hay. ang mga classrooms air-conditioned na lahat.
yung basketball court at stage na pinanood ko ang eraserhead nung 1996 covered na.
ang pagkain sa canteen, ang mamahal na. kumain ako sa canteen kahapon la lang. kunwari HS ulit ako at kumakain sa canteen kasya kayong anim na magbabarkada sa table na white at color blue na upuan. nung minsan na napabalik ako sa st.jo kumain ako ng chicken strips ang pinaka favorite ko sa canteen. kaso nung kumain ako kahapon, wala. :( pero nagtitinda pa rin sila ng chicken strips according to my pamangkin. hay chicken strips. yung mainit bagong luto tapos ng mayo-ketsup na sauce. hay pwede sa rice, at masarap din papakin. hmmm yum!
andun pa rin yung bookstore sa canteen na bibilhan mo ng manila paper, cartolina, pad paper, stationery at magic pencil o ball pen kung nakalimutan mo or wala lang trip mo lang.
syempre ang bayaran, cashier at treasurer's office ay sa taas pa rin ng canteen. Schutten Bldg ata ang pangalan nun.
naglakad ako konti sa catwalk. (naks!) napunta ako sa mag bookstore malapit sa college. ayun bookstore pa rin. tapos chineck ko yung katabi. ayun Sewing room pa rin. Kung san bibili ng maroon na palda at white blouse at maroon na necktie na may nakasulat na 'SJC' kung nakalimutan mo dahil na late ka ng gising. hehehe! at syempre dun bibili ng gamit sa H.E. sewing box, karayom, sinulid, tela, yarn, crochet stick at kung anu-ano pa. at sinu ba naman ang hindi bibili dun ng PE uniform. haha! nag simula ako ng maroon shorts tapos ano ba yung tawag sa klase ng tela na mabilis makati pag naluluma. basta yun.
1. maroon short + tshirt na white na may malaking SJC logo na maroon at maroon na neckline at dulo ng sleeves. ( fr pre-kinder hangang grade 2 ata)
2. maroon na bloomers + tshirt na white na may malaking SJC logo na maroon at maroon na neckline at dulo ng sleeves. (di ko matandaan basta 1 year sa grade school )
3. cycling shorts na black may isang stripe ata na maroon di lang ako sure kung may sjc nakasulat + tshirt na white na may malaking SJC logo na maroon at maroon na neckline at dulo ng sleeves. (grade 4 hanggang grade 6)
4. cycling shorts na black may isang stripe ata na yellow + tshirt na white na may malaking SJC logo na yellow at yellow na neckline at dulo ng sleeves ( yellow. sign na HS ka na. ganito PE uniform namin mula first year hanggang second year)
5. Jogging pants na black na may 2 stripes + white na cotton shirt na may nakasulat ng SJC sa may upper leftside ng shirt (3rd yr at 4th yr. buti naman. at least pag PE days namin. papasok na kme ng naka ganito. wala ng baon baon at bihis bihis ng damit. at madaling gugumik after class. tapos pag saturday natapat ang exams papasok kame ng naka PE. hehehe)
Yan ang evolution ng PE uniform.
hay st.jo. kung tutuusin 12 years ako sa st. jo. Pre-Kinder at Kinder. Grades I-VI. 1st - 4th yr HS. Loyalty Awardee ito. GS and HS. pati yung 2 kapatid ko. at yung pamangkin ko. Loyalty awardee. di naman namin mahal ang st. jo. (yung 2 kapatid ko ngayon FEU, gagawa din ako ng blog tungkol sa FEU. pero yung pamangkin ko hindi sumunod sa amin at sya lang ang nakapasa sa Go USTE!)
Sa Mar 28, 2009 gagraduate na ng HS ang pamangkin ko. sya ang mgiging last ng aming lahi sa St. Jo. Manonood ako ng graduation sa College gym via projector. Sosyal! kase sa graduation day 2 visitors per students lang ang allowed. dati kahit barangay ang dala mo, keri lang. Air-conditioned na raw ang aming MDA or Mater Dei Auditorium. kung san ang mga songfest, sabayang bigkas, mass, variety shows, concerts, talks at kung anu ano pang activities. hay
Hello St. Jo, Good Bye St. Jo, Good luck St. Jo.
KAT®, loyal josephine from 1988-2000
