Manonood ako ng eraserheads concert mamaya. At excited na ako. Eto at nakikinig ako ng mga kanta nila nila, ine-enjoy at nagre-reminisce. kinalakihan ko ang eraserheads. i am a big fan in my own little way. you may contest kase sa buong buhay ko 2 beses lang ako nakapanood ng concert nila. pero i am FAN. magiging pangatlo ko to. and kinatutuwa ko. kahit 300php lang ang ticket ko. ok lang. sabi ko nga.. maghahanap ako ng magbibigay sa akin ng VIP passes. Hay... Sana lang...lang...
Ultraelectromagneticpop, unang album (Casette pa noon) nila -MERON ako. grade four ata ako nung binili ko yun, or should i say pinabili. basta yung labas ng Pare ko. Pati Circus at Cutterpillow, fruitcake at stickerhappy. wala lang ako yung iba Bananatype, Natin 99 at carbon stereoxide. pero meron ako nung eraserheads anthology.
Huling El Bimbo.. hay unang kantang natutunan at naitugtog ko sa gitara. self study. and I am proud. G-A7-C-G.
First time kong mapanood sila ng live. Fair sa school. grade six ako nun. at technically. watched it by myself. eraserheads, kahit mag isa manonood ako. hehe! second time sa school din, with friends na. high school na ako nun.
hay. overdrive pepsi commercial. tikman burger machine. ligaya chippy.
hay. ilang oras nalang. i'll be part of a history. at magbabalik din ako sa history, pag alala sa mga bagay na ginawa kong theme song ang mga awitin ng eraserheads, my favorite band of all time.
KAT®, ereaserheads fan since 1992

No comments:
Post a Comment