Hindi ko inantay ang araw na ito. Hindi nga ako excited. Hindi dahil natatakot or ayaw kong tanggapin na bente sais na ako kundi dahil baka may masamang mangyari na naman tulad ng last year.
So far wala namang masamang nangyari at maraming salamat kay The Dude. Di pa natatapos ang araw, to be exact ngayon ay 5:30pm ng 18 August 2009 pero eto nagblo blog na ako. Wala lang. Walang magawa tsaka nag uupload ako ng mga letrato.
Simple lang naman ang ginawa ko. Or plans ko for the anniversary of my 25th birthday and death of a good friend (ang haba no?)
1. Mag simba (nag pa mass intentions ako for myself ang for Jagurl) --- CHECK!
Kaso late ako kase ang bagal ko kumilos masakit pa rin kase katawan ko dahil sa knee boaring last weekend.
2. Mag donate ng dugo -- DENIED
Nagpunta kame ni Nadj sa QC City Hall andun kase ang office ng red cross. Samahan nya sana ako mag donate ng dugo. Kaso ako ay na - deny. Underweight daw ako. Huh! Nung ako'y nasa college nagkaroon ng blood letting drive nung 3rd year ako. Nag attemp ako. DENIED din! Anemic daw ako. Pero di naman ako puyat madalas, busy pero as far as I know di ako madalas puyat. Nung nag 4th year ako may blood letting ulit. Nag attemp na naman ako sa awa ng Diyos nakapag donate ako. What's weird is that yun yung time na puyat ako madalas kase mas madameng ginagawa. Pero I SWEAR I'll have my sweet revenge. sabi nung taga red cross my blood letting drive daw sa October 2 kase Mayor's birthday. Huh! I'll be prepared! See you in October 2 you red cross you!
3. Magpa gupit. -UNCHECK
Well di pa ako ako nagpapagupit. Mejo di ko feel today. Maybe tomorrow. Naging tradisyon ko ang mag pa gupit every birthday ko. Wala lang. Di ko pa kase maisip kung anong gupit. Lamo naman ang buhok ko may sariling buhay.
Over all. I'm happy. Kase my family is OK. my friends are there kahit busy. lovelife is great.
Career? malapit ng maayos yan. nararamdaman ko. antay lang.
may project nga pala ko. my very own Project 365. wala lang idea isn't unique you've probably heard about (sino bang kausap ko?). But for the benefit of those na hindi familiar bale kukuha ka ng picture ng kahit ano araw araw. pwede mo rin click ang link na ito for more info kahit ano basta picture ka lang. I'll try to be religious about this. kahit pagka gastusan ko ng battery. pulubi kase tong digicam namin de baterya. malay mo masama sa project 365 ang pagbili namin ng pangarap kong DSLR. hay buhay. basta. kung trip mo sundan mo ko.
Happy Anniversary Kat!
Another year para maka experience ng mga bagay ng di mo pa nagagawa, mag improve, tahakin at abutin ng pangarap at panibagong yugto ng ligaya! (cue: ehead's ligaya)
Share ko lang tong text message na matagal ko ng natanggap pero di ko binubura:
"Life is totallt twisted, things change and shit happens. So, know what you really want and go for it. Choose what makes you happy today or die in sadness tomorrow."
Jagurl,
I know you ok now. alam ko masaya ka na with our creator. I'm happy na rin for you kahit na nami-miss kita madalas. feeling ko busy ka lang. pero sabi nga nila busy ka sa kababantay sa amin kaya Thank you.
:)
KAT�, bente sais

2 comments:
Salamat para sa mga kagiliw-giliw na blog
To Anonymous,
Kung sakaling maligaw ka ulit..
Maraming salamat at na-aliw ka sa blog ko.
May bago na pala akong blog kung gusto mo maaliw, mabaliw or mabored.
katqt.wordpress.com
diba? wumo-wordpress na ako. hehe! mas updated un. official secret blog ko blog yun. :)
Post a Comment